Lacson, presidential candidate pa rin ng Partido Reporma kahit nagbitiw na – COMELEC

Nilinaw ng Commission on Elections na mananatiling kandidato sa pagkapangulo ng Partido Reporma si Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Ito ay kahit nagbitiw na si Lacson sa nasabing partido.

Ayon kay COMELEC Commissioner Atty. George Garcia, kikilalanin pa rin ng poll body ang idineklarang Certificate of Candidacy (COC) ng kandidato noong ito ay inihain.


Paliwanag ni Garcia, kung inihain ang COC noong Oktubre 1, 2021 ay maaari lamang itong amyendahan hanggang sa Oktubre 8.

Maliban dito, matatapos na aniya ang pag-iimprenta ng mga balota kaya hindi na ito mababago pa.

Facebook Comments