Manila, Philippines – Umaasa ang panig ni dating Pangulong Noynoy Aquino na magiging makatotohanan at batay sa ebidensya ang resulta ng gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ay kaugnay sa sinasabing nangyaring anomalya sa paggastos ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng Aquino administrasyon.
Ayon kay Atty. Abigail Valte, tagapagsalita ni dating Pangulong Aquino, sana ay hindi batay sa haka-haka lamang o “fake news” ang gagawing imbestigasyon.
Tiniyak naman ni Valte na handa ang kampo ng dating Pangulo na harapin ang anumang kaso o imbestigasyon dahil kumpiyansang walang nagawang anomalya sa DAP.
Facebook Comments