Tiniyak ng administrasyon ni Partido Reporma Chairman at Standard-Bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang patas na pamamahagi ng pondo sa mga proyekto ng mga probinsya, munisipyo, siyudad at mga barangay.
Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Partido Reporma Spokesperson at Cong. Francisco Ashley “Ace” Acedillo na sakaling maging presidente si Sen. Ping Lacson ay aayusin nila ang sistema ng pagpa-plano o istratehiya ng mga proyekto ng pamahalaan.
Aniya, hindi rin magiging basehan sa ilalaang pondo sa isang lugar kung kapartido ni Lacson ang mga ito.
“Plataporma ni Sen. Ping Lacson bilang pangulo ‘no at ayan po ang tinatawag nating, patas na standard. Iisang standard po lamang ang dapat ipinapataw sa lahat ng mga naninilbihan sa gobyerno at ano po yun? Wala po tayong kinikilingang pagdating sa partido o kulay, kung sino po ang nangangailangan ayan po ang prayoridad at kung saan po dapat tugunan ng gobyerno ang mas nakakarami, doon po ilalagay ang pondo at ang programa ng gobyerno,”