Naniniwala ang National Union of Journalist of the Philippines o NUJP na dapat maging patas ang pamahalaan sa pagbibigay pahayag hinggil sa isyu ng pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ito’y sa kabila ng gag order na hiniling ng solicitor general sa Korte Suprema para hindi na magbigay ng anumang pahayag ang mga opisyal ng naturang network.
Ayon kay Raymond Villanueva, Deputy Secretary General ng NUJP sa pagdalo nito sa balitaan sa Maynila, bagamat karapatan ng bawat isa na magbigay ng opinyon at karapatan din na maghain ng gag order sa korte, hiling sana nila na walang bastusan.
Nabatid kasi na nakakatanggap ng hindi magagandang salita at negatibong komento ang mga taga-suporta ng ABS-CBN.
Aniya, posibleng nagpakalat na din ng mga trolls ang mga nagnanais na hindi na ma-renew ang prangkisa ng nabanggit na network.
Nagpapapasalamat naman ang NUJP sa gagawing pagdinig ng Senado hinggil sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN at kanilang inalamahan ang hindi pagtututok dito ng House of Representatives.