Patay ang isang 87-anyos na lolo sa nangyaring sunog sa brgy. Pio del Pilar, Makati City

Nakilala ang masawi na si Ben Medina na hinihinalang na-suffocate sa loob ng kwarto nito.

 

Sa nakalap na impormasyon ng DZXL RMN Manila, nagsimula ang sunog alas-12:22 ng tanghali sa bahay ng biktima na ginawang boarding house sa  no. 6645 taylo street kanto ng Villar street.

 

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa light materials ang bahay at nadamay pa ang tatlong katabi nito.


 

Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog at tuluyang naapula ala-1:41 ng hapon.

 

Nabatid na bumalik ng bahay at pumasok ng kwarto ang biktima sa gitna ng sunog lung saa sinubukan siyang iligtas ng mga boarders pero naka-double lock ang pinto kaya’t hindi na nila ito nabuksan.

 

Nahirapan naman huminga ang isang fire volunteer mula sa Pasay na si Ryan Turing dahil aniya nagbago daw ng direksyon ang hangin papunta sa kanila.

 

Sa ngayon, nasa maayos nang kalagayan ang fire volunteer habang inaalam pa kung anong pinagmulan ng apoy at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.

Facebook Comments