Manila, Philippines – Nakapagtala na ang NDRRMC ng limang kataong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.
Dalawa sa nasawi ay taga Taytay Rizal, isa ay sa Lucena Quezon, isa sa Pasay at isa sa Silang Cavite.
Habang 857 pamilya naman ang mga lumikas sa kanilang bahay matapos makaranas ng pagbaha.
Ang mga ito ay nanatili ngayon sa 113 evacuation centers.
Ang mga pamilya ito ay mula sa lugar sa CALABARZON at National Capital Region.
Anim na katao naman ang nanatiling missing.
Passable o nadadaana na rin ngayon ang mga kalsadang una nang binaha habang wala nang namonitor ang NDRRMC na may problema sa suplay ng kurtyente at komunikasyon.
Facebook Comments