Patay dahil sa pananalasa ni ‘Usman’ sumampa na sa 85 – NDRRMC

Pumalo na sa 85 ang naitatalang namatay matapos na manalasa ang bagyong Usman sa ilang lugar sa bansa.

Batay ito sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

20 indibidwal naman ang missing pa rin na ngayon ay target ng patuloy ang search and rescue operation.


Umakyat na rin sa 40 indibidwal ang naitalang sugatan dahil sa bagsik ng bagyong Usman.

Naitala ang mga nasawi, missing at sugatan sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Region 5 at Region 8.

Nanatili naman sa 45, 348 families ang naapektuhan ng bagyong Usman, 6,637 pamilya rito ay nanatili pa rin sa mga evacuations centers at ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Facebook Comments