PATAY | Dalawa sawi matapos mabaril ng isang miyembro ng PNP-SAF sa Ilocos Sur

Ilocos Sur – Patay ang dalawang tao matapos mabaril ng isang miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa Barangay Naglaoa-An, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa ulat, nag-iinuman sa pre-wedding party ang dalawang lalaking sina Florante Tabuso at Palmie Susa ng lapitan ng suspek na si PO2 Jun Christopher Briones.

Pero kinapkapan ng dalawa si Briones dahilan para bumunot ng baril ang pulis kung saan nagkaroon pa ng agawan hanggang sa mabaril at mapatay si Tabuso habang nasa ligtas ng kalagayan si Susa.


Bukod kay Tabuso, tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang Liezel Agcamaran na agad nitong ikinamatay habang sugatan naman ang sampung taong gulang na kapatid ng suspek na nadamay sa insidente.

Kusa naman sumuko ang pulis sa mga otoridad at isinasailaim na ito sa imbestigasyon.

Facebook Comments