PATAY | Dalawa, sawi sa buy bust operation sa Novaliches Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Geronimo Compound Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang isa sa mga napatay ay si Amado Villete habang ang isa ay si alyas Michael.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) station 4, isang poseur buyer nila ang nakipagtransaksyon sa mga suspek.


Pero nang matunugan na pulis pala ang kanilang katransaksyon, tumakbo papunta sa masikip at madilim na eskenita ang mga suspek na humantong sa barilan.

Giit naman ng asawa ni Villete, natutulog lang ang kanyang asawa nang mabaril.

Facebook Comments