SAWI | Lalaki, patay sa pamamaril sa Caloocan City

Caloocan City – Patay ang isang 21 taong gulang na lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay 178 Camarin Caloocan City, pasado alas 11 Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Anok Sokgang na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa batok, muka at braso.

Bago mapatay, nakaaway pa ng biktima ang isang alyas Randy na kilalang hitman at drug pusher.


Ayon kay Police Senior Inspector Dennis Odtuhan ng pcp 5, nakita ang suspek at ang biktima na may dalang armas hanggang sa nagkahabulan sa San Vicente Street kung saan napatay si Sokgang.

Nakita sa tabi ng biktima ang isang improvised shotgun.

Patuloy ang pagtugis ng mga pulis kay alayas Randy na agad tumakas matapos ang krimen.

Facebook Comments