PATAY | Dalawang hinihinalang holdaper, sawi matapos manlaban

Manila, Philippines – Dead on the spot ang dalawang hinihinalang holdaper matapos maka engkwentro ng mga pulis sa Intramuros, Maynila kaninang madaling araw.

Ayon kay Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Group (MPD-CIDG) Chief Niño Briones, hinabol nila ang tatlong nakamotorsiklong lalaki matapos umiwas sa kanilang checkpoint.

Nagpaputok ng baril ang mga suspek dahilan para gumanti ang mga pulis at natamaan ang dalawa habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan.


Bago ang insidente, may nabiktima pa umano ang mga ito sa kanto ng Mabini Street at U.N Avenue bandang ala una ng madaling araw.

Positibo namang kinilala ng mga biktima ang napatay na suspek kung saan narekober sa kanila ang bag na tinangay nito.

Facebook Comments