PATAY | Drug pusher, sawi sa drug raid operation sa Antipolo City

Antipolo City – Patay ang isang lalaking drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Antipolo City.

Naisugod pa sa ospital pero namatay din ang suspek na nakilalang si Alberto Tayum.

Sa record ng pulisya, sangkot din si Tayum sa mga insidente ng holdap-robbery at gun for hire sa kanilang lugar.


Bukod sa napatay na suspek, naaresto din sa anti-illegal drugs operation ang walong katao kung saan kabilang dito ang ama ni Tayum.

Facebook Comments