PATAY | Isang 18-anyos na lalaki, tinadtad ng saksak sa Quezon City

Manila, Philippines – Tadtad ng saksak ang isang 27-anyos na binata nang matagpuan ito as Barangay Holy spirit, Quezon City.

Labing walong saksak sa katawan ang tinamo ng biktimang si Jomar Gaston Tugad na residente ng Barangay Commonwealth.

Hinala ng pulisya, na posibleng malaki ang atraso ng biktima sa suspek na nakaalitan nito base na din sa mga tinamong mga saksak sa katawan, at sinigurong patay bago ini­wanan sa lugar.


Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang suspek at ang motibo nito sa krimen.

Facebook Comments