WANTED | Isang traffic constable ng MMDA, pinaghahanap matapos manggahasa ng 14-anyos na dalagita

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nanghalay ng isang menor de edad na kagagaling lang ng probinsya.

Sa imbestigasyon, ginahasa ng suspek na si MMDA Traffic Constable 3 Reynaldo Rigor ang 14-anyos na biktimang si alyas Mary kung saan matapos ang panghahalay ay iniwan niya ito sa isang tindahan ng kaniyang kaibigan.

Nabatid pa na pinagsamantalahan din ng kaibigan ng suspek ang biktima at wala na itong nagawa.


Nakatakas lamang ang biktima nang mag pasundo sa kaniyang kamag-anak saka inireklamo ang suspek pero hindi na ito nakita pa sa kaniyang bahay maging ang kaibigan nito na may-ari ng isang tindahan.

Facebook Comments