TIMBOG | Isang lalaking nagpakilalang miyembro ng CIDG, kalaboso sa buy bust operation sa San Fernando City, Pampanga

Pampanga – Kalaboso ang isang 35-anyos na lalaki matapos na mahuli sa buy bust operation sa Barangay Telabastagan, San Fernando City, Pampanga

Nakuha mula sa suspek na si Mark Louie Sianson ang limang sachet ng shabu na nasa P50,000 ang halaga at P1,000 marked money.

Narekober rin mula sa sasakyan ng suspek na si Sianson ang isang kalibre .45 na baril, isang Communicative Investigative Support Identification Card (CIS ID) at isang sombrero na may letra at logo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).


Itinuturo din na financier ng mga akyat-bahay at robbery hold-up groups si Sianson at modus rin niya na magpakilala bilang miyembro ng CIDG para hindi maaresto.

Facebook Comments