Bukidnon – Pinagbabaril nang walang kalaban-laban ng mga miyembro ng teroristang New Peoples Army ang dalawang sundalo sa barangay Lumintao Quezon Bukidnon kahapon ng umaga.
Agad na nasawi ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa na ngayon ay patuloy na ginagamot.
Napuruhan ang mga ito dahil walang dalang armas at nakasibilyan lamang habang sakay ng motorsiklo.
Ayon kay 403rd infantry Brigade Spokesperson 1ST Lt. Marisol Fulgosino, alas 10:00 ng umaga kahapon ng pagbabarilin ang mga sundalo na kabilang sa 88th infantry Batallion Community Support Program Security Team.
Idineploy ang mga ito sa Sitio Sto Domingo, Barangay Lumintao, Quezon, Bukidnon upang kumalap ng mga kailangang dokumento para sa kanilang proyektong livelihood assistance sa mga residente sa lugar.
Hindi pa pinangalanan ang mga sundalo para na rin sa kapakanan nang kanilang pamilya.
Kinondena ni Brigadier General Eric Vinoya ang commander ng 403rd Infantry Brigade, ang ginawang pag-atake ng NPA