NAPILITAN LANG? | SENTRO labor group, tinawag na walang silbi ang EO na pinirmahan ni Duterte

Manila, Philippines – Tinawag na walang silbi ng labor group na SENTRO ang Executive Order ang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay SENTRO Secretary General Josua Mata, malinaw sa EO na bersyon ng Department of Trade and Industry at hindi ng mga manggagawa ang isinasaalang-alang.

Napilitan lamang aniya si Duterte na pirmahan ang EO dahil nakita niya ang lumalaking galit ng mga manggagawa matapos niyang ianunsyo na hindi na siya maglalabas ng EO sa halip, ipauubaya na niya sa Kongreso ang usapin ng ENDO.


Ang inanunsyo kanina ng Pangulo ay pag-uulit lamang ng umiiral na regulatory policy na hindi naman nilutas ang lumalalang problema sa Contractualization.

Facebook Comments