PATAY | Lalaki, patay matapos makipagbarilan sa PNP

Batangas – Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos makabarilan ng mga pulis sa isang checkpoint sa Ibaan, Batangas.

Ayon sa Batangas-PNP, nakatanggap sila ng sumbong na namataan ang isang armadong lalaki sakay ng motorsiklo sa Barangay Sto. NiƱo.

Nakasuot ito ng itim na sumbrero, short at puting t-shirt.


Agad namang rumesponde ang pulisya at naglatag ng checkpoint.

Nang matiyempuhan ang pagdaan ng hinihinalang suspek, sinita siya pero sa halip na tumigil, humarurot ito ng takbo at pinagbabaril ang mga pulis.

Gumanti naman ang mga pulis at napuruhan ang suspek.

Isinugod pa siya sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Facebook Comments