PATAY MATAPOS MANLABAN │Dalawang drug personalities, patay matapos umanong manlaban habang inaaresto

Manila, Philippines – Patay ang dalawang drug personalities matapos ang ikinasang drug operation ng militar at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa Luuk Sulu kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nasawing drug personalities na sina Alsidi Anji at Benjie Dumdaydi na nasawi matapos umanong manlaban sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest.

Ayon kay Capt Jo-an Petinglay ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command ala-1:50 ng umaga kamakalawa ng isagawa nila ang operasyon sa Barangay Lambago Luuk Sulu.


Nakuha sa mga nanlaban umanong suspek ang isang Garand rifle, 14 rounds ng caliber .30 ball, shabu, at drug paraphernalia.

Itinurn over naman ang militar kay Arafi Hajiron, ang barangay kagawad ng Tubig Putih, Luuk, Sulu, ang bangkay ng dalawang suspek para maihatid sa kanilang pamilya sa Barangay Bulangsih, Panamao, Sulu.

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa noturyos drug pusher sa lugar na si alays Jinar.

Tiniyak naman AFP Western Mindanao Command Commander Gen Carlito Galvez Jr na hindi titigil ang militar sa pagsuporta sa anumang law eforcement agencies para sa mga anti-illegal drugs operation.

Facebook Comments