Patay sa aksidente sa Nueva Ecija, umakyat na sa 32

32

Manila, Philippines – Umakyat na sa tatlumpu’t dalawang katao ang namatay matapos mahulog ang pampasaherong bus sa bangin sa barangay Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija.

Ilan naman sa mga biktima ang nananatili sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital at Veterans Regional Hospital.

Ayon kay Kennedy Baluyan, officer ng Municipal Risk Reduction and Management Council ng bayan ng Santa Fe, pumutok ang isa sa mga gulong ng bus kaya nawalan ng kontrol ang driver nito hanggang sa mahulog sa 80 hanggang 100 talampakan bangin.

Nabatid na bIyaheng Candon, Ilocos Sur at galing Isabela ang naaksidenteng bus na may plakang AVS 757.

Itinuturung na accident-prone area ang lugar dahil sa zigzag na daan patungong Abra at Ilocos Sur.
Nation

Facebook Comments