Sultan ng Brunei at Pangulo ng Indonesia nakatakdang makipagpulong kay Pangulong Duterte pagdating dito sa bansa

23

Manila, Philippines –  Inanunsiyo ngayon ni Ambassador MarcianoPaynor Jr. na nakatakdang dumating sa bansa si Brunei Sultan Hassanal Bolkiahat Indonesian President Joko Widodo.
Ayon kay Paynor sa briefing dito sa Malacañang kanina, sa20 ng Abril nakatakdang dumating si Sultan Bolkiah sa bansa para sa isang StateVisit habang sa 28 naman darating si Widodo para sa isa ding State Visit.
Sinabi ni Paynor na isa ang Davao City sa mga pupuntahanni Widodo kung saan makakasama nito Pangulo sa pagpapasinaya ng Davao GeneralSantos Bitug roro Sealing Cage Route.
Magkakaroon aniya ng Bilateral Meeting si PangulongDuterte kina Bolkiah at Widodo at sa ngayon aniya ay hinahanapan pa nila ngoras para bilateral meeting ng Lao President kay Pangulong Duterte.
Inihayag din ni Paynor na inaasahan nilang darating anglahat ng State Leaders ng mga ASEAN member countries ngayong leaders meeting sahuling bahagi ng buwan ng Abril.

Facebook Comments