Patay sa bagyong Harvey sa Amerika, halos nasa limampu na

World – Umakyat na sa 47 ang bilang ng nasawi mula sa southeastern part ng Texas bunsod ng bagyong Harvey.
Una nang sinabi sa mga otoridad sa Texas, na posibleng pang madagdagan ang bilang ng mga namatay habang hindi pa tapos ang ginagawa nilang assessment sa damage na dulot ng bagyo.
Ayon kay Texas Gov. Greg Abbott, posibleng abutin ng ilang taon bago makabangon ang Texas dahil sa iniwang pinsala ng naturang kalamidad.
Sa kasalukuyan, bagamat humihina na ang bagyo habang binabagtas ang direksyon patungong Ohio Valley, patuloy pa rin aniya ang nararanasang matinding pagbaha sa Eastern Texas at Western Louisiana.
Habang nasa 42 libong katao na ang pansamantalang nananatili sa American Red Cross at partner shelters sa Texas.

Facebook Comments