PATAY SA BALISONG | Isang call center agent, pinagsasaksak sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang call center agent matapos saksakin sa Freedom Park Brgy. Batasan Hills QC kagabi.

Nakilala ang biktima na si John Martin dela Cruz, 33 taong gulang na residente lang din sa nabanggit na Brgy.

Ayon sa saksi na si Danica Estrada nagsimula ang alitan matapos magparinig ang suspek patungkol sa biktima.


Naglalakad ang biktima sa Orchids St. nang mabadtrip sa suspek matapos siyang alaskahin.

Dahil napikon si Dela Cruz agad na kumuha sa bahay ng kutsilyo at sinugod ang suspek.

Napigilan si Dela Cruz ng saksi sa tangkang pananaksak pero sa gitna ng pag-awat, mayron palang balisong ang taong sinugod niya kaya siya naman ang nasaksak.

Malalim at marami ang sugat ng biktima sa katawan na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Agad tumakas ang suspek na si Jomar Catalan pero naiwan naman sa crime scene ang balisong na ginamit sa pagpatay na magsisilbing ebidensya laban sa kanya.

Facebook Comments