Patay sa gulo sa Marawi City, 175 katao na

Marawi City, Philippines – Umakyat na sa isang daan at pitumpu’t limang katao ang napapatay sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni afp spokesperson brig gen restituto padilla sa harap mahigit isang linggo nang sagupaan sa lugar

Aniya mas maraming nasawi sa panig ng Maute terror group na umaabot na sa isang daan at dalawampu .


Habang sa panig ng tropa ng pamahalaan, umakyat na sa tatlumpu’t anim ang patay kabilang na ang 11 namatay sa palpak na military airstrikes.

Nanatili sa labing siyam ang bilang nang namamatay na sibilyan.

Pitumpu’t siyam na tropa ng pamahalaan rin ang naitalang sugatan sa sagupaan.

Sa ngayon hindi naman makumpirma ng AFP kung may nanatiling bihag ang Maute group sa Marawi City.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang clearing operation ng tropa ng pamahalaan sa lungsod.
DZXL558

Facebook Comments