Patay sa mass shooting sa Las Vegas, pumalo na sa halos 60

World – Pumalo na sa 58 ang nasawi habang higit 515 ang nasugatan sa mass shooting sa isang concert sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa ulat, ilang buwan bago ang pamamaril, nag-convert na sa Islam ang suspek na si Stephen Paddock, residente ng Mesquite, Nevada.

Mula sa kanyang nirentahang kuwarto sa ika-32 palapag ng mandalay bay hotel casino, pinagbabaril ni Paddock ang mga nanonood ng isang country music concert ilang metro lamang ang layo mula sa naturang hotel.


Nang sugurin ng mga otoridad, natagpuang patay ang suspek sa loob ng kanyang kuwarto.

Nadiskubre rin ang mahigit sa sampung automatic rifles sa silid nito.

Facebook Comments