Patay sa Mindanao quake, nadagdagan pa

Pumalo na sa 17 ang bilang ng mga nasawi sa magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) – 14 sa mga nasawi ay mula sa Region 12 at tatlo sa Region 11.

Kinilala ang mga nasawi na sina:


Davao del Sur

  1. Jessie Riel Parba
  2. Benita B. Saban
  3. Romulo Naraga

South Cotabato

  1. Nestor Narciso
  2. Marcelo Tare

Cotabato

  1. Samuel Linao Andy
  2. Renee Corpuz
  3. Marichelle Morla
  4. Patricio Lumayon
  5. Pao Zailon Abdulah
  6. Isidro Gomez
  7. Cesar Benjie Bangot
  8. Romel Galicia
  9. Priscilla Varona
  10. Juve Gabriel Jaoud
  11. Tessie Alacayde

Sultan Kudarat

  1. Lito Peles Mino

Aabot naman sa 403 ang mga nasaktan sa lindol habang dalawa ang nawawala.

Nasa 3,365 na mga imprastraktura ang napinsala sa Regions 9, 10, 11, 12 at BARMM.

Kaugnay nito, nananatiling nakararanas ng power outage ang 13 Local Government Units (LGUs) sa Cotabato province at dalawa sa Sultan Kudarat.

Habang patuloy naman ang pagkukumpuni sa nasirang water system sa Kidapawan City na nagresulta ng water interruption sa ilang barangay sa Cotabato Province.

Facebook Comments