Patay sa pananalasa ng Bagyong Quinta, umabot na sa 16 ayon sa NDRRMC

Umabot na sa 16 ang naitalang nasawi matapos manalasa ang Bagyong Quinta sa bansa.

Batay sa ulat National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga nasawi ay naitala sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6 at Region 7.

Naitala rin ng NDRRMC ang 22 sugatan at apat na nawawala sa nabanggit rin na mga rehiyon.


91 insidente naman ng pagbaha, pagguho ng lupa at paglubog ng bangka ang naitala ng NDRRMC sa Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, 8, CAR at National Capital Region (NCR).

Pumalo na rin sa kabuuang 57,742 families o katumbas ng 242,220 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Quinta.

Sa bilang na ito, 16,830 families ay tumutuloy pa rin ngayon sa 916 evacuation centers at 2,813 families nakituloy sa kanilang mga kaanak.

Facebook Comments