Patay sa pananalasa ng Bagyong Ulysses umabot na sa 73 – NDRRMC

73 indibidwal na ang naitatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasawi matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sa update ng NDRRMC, 24 sa mga nasawi ay naitala sa Region 2, anim sa Region 3, 17 sa CALABARZON, 8 sa Region 5, sampu sa Region 10 at 8 sa National Capital Region (NCR).

Naitala rin ng NDRRMC ang 24 na sugatan, anim dito ay sa Region 2, siyam sa CALABARZON, walo sa Region 5, at isa sa CAR.


Patuloy namang pinaghahanap ngayon ang 19 na indibidwal matapos mawala sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Anim dito ay naitala sa Region 2, dalawa sa CALABARZON, walo sa Region 5 at 3 sa NCR.

Batay pa sa update ng NDRRMC, umakyat na sa kabuuang 727,738 families o mahigit 3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Sa bilang na ito, 70,784 families ay tumutuloy ngayon sa 2,205 evacuation centers ang iba’y nakituloy sa kanilang kamag-anak at kaibigan.

Facebook Comments