Patay Sa Panig Ng Asg, Umakyat Na Sa Walo Ang Bilang

14

SULU – Umakyat na sa walo ang bilang ng kumpirmadong napatay sa panig ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa Sulu.Ayon kay Major General Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao command — kabilang sa mga napatay sina Karra Kinod, Asbiali Ijiram, Bari Rabah at Hassan Angkong na pawang nahaharap sa mga warrant of arrest.Sa kabuuan ay nasa walong mga bangkay na umano ang nakuha ng mga sundalo mula sa magkahiwalay na lugar ng bakbakan.Kasama rin sa narekober ang dalawang granada, mga bala ng baril, anim na assorted suspenders na may mga magazine pouchs, assorted camouflage, digital uniforms at walong high-powered firearms.Nabatid na dakong alas-8:00 ng umaga kahapon nang makasagupa ng Marine Special Operations Group (MARSOG) ang mga bandido na umabot sa 20 minuto.Ayon kay Galvez, layon pa rin ng kanilang intensified law enforcement operation na maisalba ang halos 30 pang mga natitirang kidnap victim na magkakahiwalay umanong hinahawakan ngayon ng mga terorista sa Sulu.

Facebook Comments