Senadora Leila De Lima, Ibinunyag Ang Umano’Y Planong Pagpapa-Aresto Ng Doj Sa Kanya

8

MANILA – Inamin ni Sen. Leila De Lima na nakatanggap siya ng mga impormasyon kaugnay sa umano’y ginagawang hakbang ng Department of Justice (DOJ) para ipaaresto siya kahit nakabinbin pa ang mga kinakaharap na usapin.Ayon kay De Lima, “railroading” ang ginagawa ng DOJ officials para gipitin siya.Matatandaang patung-patong na kaso ang kinakaharap ng senadora dahil sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) noong panahon ng panunungkulan nito bilang DOJ Chief.Pero ayon kay De Lima, handa niyang harapin ang mga kaso pero dapat sundin ng kaniyang mga katunggali ang proseso ng batas at huwag panghimasukan ang korte.

Facebook Comments