Patay sa sumabog na lantsa sa Zambonga City – umak yat na sa lima

Manila, Philippines – Umakyat na sa lima ang patay sa nasunog na lantsa na ML satellite sa Bengo Wharf sa barangay Baliwasan, Zamboanga City.

 

Ayon kay Zamboanga Coast Guard Station Commander Lt. Cdr Alvin Dagalea – hindi pa nakikilala ang mga nasawi.

 

Apat naman ang sugatan na ginagamot ngayon sa Zamboanga Medical Center habang tatlong crew ang maswerteng hindi nagtamo ng pinsala.

 

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang dahilan ng sunog pero nagkaroon muna ng pagsabog habang nagkakarga ng krudo ang lantsa na dadalhin sana sa Sulu, pasado alas siyete kagabi.



Facebook Comments