Pop Icon Britney Spears – magko-concert sa Pinas

46

Manila, Philippines – Kumpirmado nang magkakaroon ng first ever concert sa bansa ang Multi-Platinum, Grammy Award-Winning Pop Icon na si Britney Spears.

 

Ito ay gaganapin sa June 15, 2017 sa Mall of Asia Arena at magsisimula ang bentahan ng tickets sa April 5, 2017.

 

Ang iconic pop sensation na si Britney Spears ay isa sa pinaka-successful at celebrity entertainers sa pop history kung saan aabot sa 150 million ang na-record nito worldwide.

 

Kabilang sa mga sikat na kanta nito ang Sometimes, Baby One More Time at marami pang iba.



Facebook Comments