Manila, Philippines – Inihayag umano ni Penelope Belmonte, Executive Director ng National Parks and Development Committee (NPDC) na laganap ang patayan sa Luneta.
Ito ay ayon na rin sa Affidavit ng isang tindera sa Luneta kung saan ay nahahalatang umanong elitista at mukhang galit sa mahihirap na katulad umano ni Belmonte.
Matatandaan na kamakailan ay nagpahayag ang isang tindera na hina-harass siya ng mga security guard at mismo ni Belmonte.
Ayon sa affidavit ni Cherry, isang tindera sa Luneta, pinalalabas ni Belmonte na maraming nagaganap na patayan sa Luneta na syang isinisisi sa kanilang tindahan ng pagkain.
Bukod sa kanilang tindahan , ipinasasara rin umano ni Belmonte ang parking lot ng PAGCOR, National Library, Seafarers Center, Philippine National Bank (PNP), at fast food chain sa Luneta.
Sinalungat naman ni Cherry na may mga patayan sa Luneta, bagkus ay sinabi nitong napakatahimik at masaya ang Luneta kung kaya at patuloy na marami ang dumaragsang mga park-goers, estudyante, mga pamilya at mga turista dito.
Nanawagan si Cherry kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kastiguhin ang NPDC dahil sa nawawala na ito sa legalidad at ang head nito na si Belmonte na ipinagtataka umano niya ay mahilig sa designer bag at may mga bodyguard samantalang sa pagkakaalam niya ay beautification lamang naman ng Luneta ang trabaho.
Hindi umano makapaniwala si Cherry sa ipinagkakalat ni Belmonte na si Pangulong Duterte mismo ang nagpapaalis sa kanilang mga lehitimong tindahan na may mga permit at kontrata.
Naniniwala si Cherry na mahal na mahal ni Pangulong Duterte silang mga maliliit na Pilipino kaya hindi siya naniniwala sa sinabi ni Ma’am Penelope na ipagbabawal na silang mga lehitimong may mga permit na nagtitinda sa Luneta.