Makikita na sa lahat ng uniporme ng bawat miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patch ng Bandila ng Pilipinas.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner Jr., bahagi ito ng pagpapalakas ng pagmamahal sa bayan at pagkakaisa.
Aniya, layon ng hakbang na ito na ipakita ang patriotism at solidarity bilang malinaw na paalala ng pangako ng Sandatahang lakas na itaguyod ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.
Ito rin ay para itugma sa pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaguyod ang national pride at pagkakaisa sa mga Pilipino.
Ang hakbang na ito ay isang pagpapakita rin ng determinasyon ng AFP na magbigay ng malinaw na representasyon sa pagtupad ng kanilang misyon nang may karangalan at integridad.