Umarangkada na ang ika-apat na araw ng temporary pamilihang bayan o talipapa sa Munisipalidad ng Pateros.
Itinayo ito noong nakaraang Linggo bilang paghahanda sakali mang magsara ang Makati area kung saan mas madalas namamalengke ang mga taga-Pateros.
Bukod kasi dito ay kulang din ang pamilihan sa Pateros kaya inagapan na ng lokal na pamahalaan ang problema ng marami para lamang makatawid sa Makati.
Sa harap ng munisipyo ng Pateros itinayo ang temporary pamilihan na ekslusibo lamang para sa mga residente.
Tulad sa ibang mga palengke ay kumpleto rin ito mula sa bigas, mga karne, isda at iba pang pagkain.
Paalala naman ng Pamahalaan ng Pateros sa mga residente na ugaliing i-practice ang social distancing sa kanilang pamimili at dumaan muna sa kanilang decontamination area bago umuwi ng mga tahanan.