Patient no. 40 ng COVID-19, pumanaw na kagabi

Pumanaw na ang patient no. 40 ng COVID-19na naka-confine sa Northern Mindanao Medical Center kagabi.

Namatay ito sa loob ng quarantine facility ng Northern Mindanao Medical Center, bandang alas-9:00 kagabi.

Ang patient no. 40 ang isang 54 na taong gulang na lalake na taga Lanao del Sur, ang unang pinoy na taga Mindanao na tinamaan ng nasabing virus kahit na wala itong travel history.


Maaalala na noong Pebrero nang nagkasakit ang nasabing pasyente habang ito ay nasa Pasig, ngunit noong March 3 hanggang March 7 nang naka-confine ito sa isang ospital sa Iligan City dahil sa community acquired pneumonia ngunit hinihinala ng mga doctor na ito ang isang kaso ng COVID-19, kung kaya inilipat ito sa NMMC.

Kahapon, bumaba ang BP nito, ngunit na resuscitate ito ng mga doctor hanggang sa bumalik sa normal, ngunit alas-9:00 kagabi ng pumanaw na ang nasabing pasyente.

Facebook Comments