Japan – Hassle bang magkaroon ng sabay-sabay na lakad? O gustong gumimik pero tinatamad lumabas ng bahay?
Alam mo ba na pwede mo nang puntahan ang lahat ng mga lakad mo gamit lang ang device na kung tawagin ay “Chameleon Mask”?
Ang device na mas kilala rin sa tawag na human uber ay imbensyon ng Japanese researcher na si Jun Rekimoto.
Kailangan mo lang magpadala ng taong magre-represent sayo sa isang event na siyang magsusuot ng chameleon mask.
Helmet ito na may screen na parang ipad kung saan iba man ang katawan, ikaw pa rin ang makakasalamuha ng mga kaibigan mo o para ka lang ding nakikipag-facetime.
Marami na nga ang nahuhumaling sa paggamit ng pambihirang device na ito.
At sabi ni Rekimoto – asahan ang marami pang upgrade sa kanyang imbensyon.