PATOK SA PINOY | ‘Bigas Kamais’ Rice Corn, sisimulan nang ibenta sa mga NFA retailers sa buong bansa

Manila, Philippines – Puntirya ng National Food Authority na simulang ibenta sa publiko ang ‘bigas kamais’ o rice corn blend sa unang quarter ng 2018.

Kasunod ito ng matagumpay na ‘Taste Test’ para mabatid kung ano ang patok sa Pinoy consumer na komposisyon ng mais na bigas na isinagawa ng nfa sa picc noong november ng nakalipas na taon.

Ayon kay NFA Spokesperson Rebecca Olarte, ‘nag-click’ sa panlasang pinoy ang 70-30 blend o 70-porsiyentong bigas at 30-porsiyentong mais.


Bagamat hindi pa naisasapinal ang aktuwal na presyo kung magkano ito ibebenta sa merkado pero sa pagtaya ni olarte nasa pagitan ito ng kasalukuyang presyo ng NFA rice na 27-pesos at 32-pesos.

Kapag natanggap na aniya ng publiko ang pagkain araw-araw ng rice corn blend hindi malayong titigil na ang ahensya sa pag-angkat ng bigas dahil sapat ang ani ng mais para mapunan ang kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa.

Facebook Comments