United Kingdom – Bago pa man ikinasal sina Prince Harry at Meghan’s Markle, daan-daang royal wedding memorabilia na ang nagkalat na sa United Kingdom.
Kabilang rito ang t-shirt, tasa, bag, coloring book, towel, cupcakes, maskara, life-sized cutout, hikaw at maging condom!
Pero pinakapatok ngayon ang Harry and Meghan swimsuits na mabibili sa halagang 38 british pounds o 2,667 pesos!
Katunayan, pwede na ulit mabili online ang naturang bikini set and trunks na dinesenyuhan ng mga kuhang larawan ng royal couple sa kanilang kasal.
Nagpadala pa nga raw ang online retailer na ‘bags of love’ ng isang pares nito sa Palace bilang wedding gift!
Facebook Comments