Sa inilabas na impormasyon ng NICA, patong-patong na kaso ang dahilan ng paghuli sa kanya ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 2 at 5th Infantry Division, Philippine Army sa bisa ng dalawang magkaibang warrant of arrest na inisyu ng korte sa Tuguegarao City noong Hunyo 17, 2021.
Nadakip si Adviento bandang alas 8:00 kagabi, Abril 8,2022 habang kumakain sa isang fastfood chain sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya matapos ang pagtatago nito sa batas mula nang lumabas ang kanyang mga warrant of arrest noong 2021.
Si Adviento o mas kilala sa tawag na “Buting” ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o iligal na pag-iingat ng mga baril na sakop din ng RA 9516 and RA 8294.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso kay Adviento matapos masamsaman ng mga baril, bala at pampasabog sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Carupian, Baggao, Cagayan noong ika-2 ng Disyembre taong 2020.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga kinakaharap na kaso ni Adviento para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Isabelo Adviento ay lider ng Regional White Area Committee (RWAC) ng CPP-NPA-NDF na nag-ooperate sa Lambak ng Cagayan.
Siya rin ang kasalukuyang Regional Coordinator ng ANAKPAWIS at fourth nominee ng ANAKPAWIS Partylist, isa sa mga prente ng komunistang grupo.
Kasalukuyang nakakulong sa Bayombong Municipal Police Station si Adviento.