Presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson, tiniyak ang malinaw na istratehiya para sa pagpapasigla sa turismo ng bansa

43

Plano ni presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson na magsagawa ng konsultasyon sa mga local government unit (LGU) para bumuo ng malinaw na istratehiya para sa pagpapasigla sa turismo ng bansa.

Ayon kay Lacson, makakatulong ang plataporma niyang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program para bigyang-papel ang mga LGU sa kanilang mga proyektong pangkaunlaran na sila rin mismo ang magpapatupad.

Kung maisasakatuparan aniya ang isinusulong niyang BRAVE program, magkakaroon na ng dagdag na suporta ang mga LGU para palakasin ang industriya ng turismo, lokal na negosyo, at pasyalan o mga tourism estate sa iba’t-ibang destinasyon sa bansa.


Facebook Comments