PATONG-PATONG NA KASO | Dalawang lalaki, nahulihan ng mga baril sa Parañaque City

Parañaque – Patong-patong na kaso ang isinampa ng Parañaque Police Station laban sa dalawang lalaki matapos na mahulihan ng mga baril at patalim habang nagsusugal ng Kara Y Cruz sa Dr. A. Santos Avenue Brgy. San Antonio Parañaque City.

Nakilala ang mga suspek na sina Marlon Dumlao28 anyos Lino Type Hontiveros, Fourth Estate, Brgy. San Antinio Parañaque City at Pablito Yayon Jr. 30 anyos residente rin sa naturang lugar.

Ayon kay PCP 5 Commnder P/Chief Inspector Arnold Sadorra nakatanggap ng tawag ang kanilang tanggapan kaugnay sa nangyayaring sugal na Kara Y Cruz sa Dr. A Santos Ave., malapit sa Fourth Estate Parañaque City kayat agad na pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal.


Kinapkapan ng mga pulis ang mga suspek kung saan nakuha sa kanilang mga katawan ang isa Fan knife, Caliber .38, caliber .357 at mga bala at mga pera na pantaya.

Kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz),BP 6 (Illegal Possession of Bladed Weapon), RA 10591 (Illegal Possession of Firearm) at Omnibus Election Code ang isinampa ng mga pulis laban sa mga suspek sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Facebook Comments