TINAMBANGAN | Staff ng ARMM, patay matapos barilin sa Maguindanao

123

Maguindanao – Patay ang isang staff ng ARMM Humanitarian Emergency Action and Response Team (Heart) matapos tambangan ang kanilang sasakyan ng mga di pa nakikilalang mga suspek sa Maguindanao kahapon.

Sa ulat ng Datu odin Sinsuat Municipal Police, kinilala ang nasawi na si Betchie Yap na sakay ng isang Mitsubishi Lancer at papunta sanang Cotabato City nang harangin ng mga armadong lalaki bandang alas-4 ng hapon.

Sugatan naman ang mga kasama nitong body guard na si Jonathan Layson at ang driver na si Chrispin Beling habang ang dalawa pang kasamang municipal kagawad na sina Beatrice Beling at Raymundo Kinlat ay maswerteng hindi natamaan.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng kalibre .45.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pulisya para tugisin ang mga suspek na tumakas.

Facebook Comments