MANILA – Magsasampa na ng kaso si Senator Leila De Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.Sa isang media briefing, sinabi ng senadora na inihahanda na ng kanyang legal team na binubuo ng mga volunteer lawyer ang mga kasong isasampa niya sa Pangulo.Aniya, si Duterte ang principal respondents sa lahat ng ihahain niyang kaso dahil naniniwala siyang hindi siya ididiin nina Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, House Speaker Pantaleon Alvarez at House Justice Committee Chair Reynaldo Umali, sa kalakaran ng droga sa bilibid kung hindi sila sinabihan ng Pangulo.Dagdag pa ni De Lima, mas mabilis pa sa inaasahan ng Pangulo ang gagawin niyang pagsasampa sa mga kaso.Sa ngayon, tumanggi muna siyang idetalye kung ano-ano ang mga kasong ito.Una nang sinabi ni De Lima na magsasampa siya ng “test case” laban kay Duterte dahil sa aniya’y pag-abuso nito sa kanyang kapangyarihan.
Patong-Patong Na Kaso Laban Kay Pangulong Duterte, Inihahanda Na Ng Legal Team Ni Senador Leila De Lima.
Facebook Comments