Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,070 kilometers silangan ng Tuguegarao City.
Nanatili ang lakas nito sa 65 kilometers per hour at pabugso ng hanging aabot sa 80 kph.
Patuloy itong kumikilos sa hilagang bahagi ng Tuguegarao sa bilis na 15 kph.
Sa susundo na 24 na oras, patuloy na uulanin ang western section ng Luzon lalo na sa MIMAROPA, Cavite, Laguna, Metro Manila, Batangas, Bulacan, Rizal, Mindoro Provinces, Northern section ng Palawan, Cuyo at Calamian Islands, Romblon, Aklan, Antique, maging sa probinsya ng Zambales at Bataan.
Kaya inaabisuhan ang ating mga kababayan sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon asahan naman ang isolated rainshower.
Habang sa Visayas at Mindanao, makakaranas din ng maulap na kalangitan na may scattered rainshower at thunderstorm dulot ng hanging habagat.
Batay pa sa huling track na inilabas ng weather bureau, inaasahang lalabas ang bagyong Hanna sa biyernes (August 9).
Kasalukuyang nakataas ang gale warning sa Western seaboard ng Northern at Central Luzon seaboard ng Southern Luzon at Visayas maging sa Eastern seaboard ng Mindanao.
Kaya pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakyang pandagat na iwasan na munang pumalaot dahil sa panganib ng malalaking alon.