Patuloy na brownout sa ilang lugar, pingangambahan na maging sanhi ng dayaan sa BSK Elections

Nangagamba ang ilang botante sa posibleng pagkakaroon ng malawakang dayaan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito’y bunsod ng nararanasang brownout sa iba’t ibang panig ng bansa na posibleng makaapekto sa magiging resulta ng eleksyon lalo na’t mano-mano ang paraan.

Ilang mga lugar na nakararanas ng brownout ay sa Tanauan, Batangas na apektado na ang ilang negosyo gayundin sa lalawigan ng Mindoro na halos sunod-sunod ang insidente ng pagkawala ng suplay ng kuryente.


Brown-out din ang pinangangambahan ng mga residente ng Brgy. Ugong sa Valenzuela na ang botante ay umaabot sa mahigit 40,000 kaya’t posibleng magtagal ang bilangan kung magpapatuloy ang pagkawala ng suplay ng kuryente.

Nababahala rin ang ilang residente sa Brgy. San Isidro sa Antipolo City dahil nitong mga nakaraang araw ay panay ang nagkakaproblema sa kuryente kung saan baka lumala ang ganitong sitwasyon hanggang araw ng eleksyon.

Napag-alaman na ang Brgy. San Isidro ay may 35,000 botante kaya’t kung magpapatuloy ang mga ganitong brown-out qy baka mawala pa ang kanilang pagkakataon na mabago o mapalitan ang mga kasalukuyang nakaupo na halos dinastiya ng nag-iisang angkan.

Kaugnay nito, umaapela ang mga residente sa mga service provider ng kuryente at sa Commission on Elections na maglaan ng mga generator sa mga voting centers para mawala ang kanilang pangamba sa posibleng pagkakaroon ng dayaan.

Facebook Comments