Patuloy na dumadagsa sa Sofitel, patuloy na dinadagsa ng mga kakandidato

Sa ngayon, 20 partylist groups na ang naghain ng kanilang Certificate of Nomination Acceptance (CONA).

Kabilang dito ang TGP, Guardians Philippines Inc. o GPII, CWS mula sa sektor ng construction workers, Igorot Warriors International, Barkadahan para sa masa, AKMA partylist, Magdalo partylist, Senior Citizens, Angat Edukasyon-Pare, Galing sa puso, Trabaho , Maharlika, A Teacher, Lingkod Bayanihan, Barangay Health Witness, 4ps, Green Force ,Peace partylist, KOOP Kampi at ACT Teachers.

Sa pagtatanong ng media, naungkat ang pagkakadawit ng ACT Teachers sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).


Muli namang itinanggi ni Rep. Antonio Tinio na kaalyado sila ng CPP-NPA at maraming beses na aniyang nabasura ang mga kaso hinggil dito laban sa kanilang mga kasapi sa partylist.

Sa presidentiable naman, 4 na ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw kabilang na ang isang Maria Aurora Marcos mula Tarlac, Arnel David, Leonardo Fernandez, Marsden Luyahan.

Isa namang vice presidentiable ang naghain ng COC sa katauhan ni Melodino Villanueva.

Habang 6 senatoriables naman ang naghain ngayong araw ng COC kabilang si Atty. Larry Gadon, Samuel Hardin, Norbert Esmeralda Jr., Orlando Bernardo , Joseph Dy at Nur-Ana Sahidula na dating kongresista ng Sulu.

Facebook Comments