Inihayag ng Department of Energy (DOE) na asahan pa ang pagtuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng langis dahil sa epekto ng pagtaas ng import cost sa bansa.
Ayon kay DOE – Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad, umabot na sa 19 dollars per barrel ang itinaas ng diesel mula noong nakaraang linggo at nitong linggo.
Aniya, hindi pa rin nila masabi kung tataas din ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) dahil dedepende ito sa magiging lagay ng presyo ng krudo.
Sa ngayon, nasa 144.10 dollars ang presyo ng diesel base sa pandaigdigang merkado.
Facebook Comments