Ipinaliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na ang patuloy na pagbagal ng inflation rate ay dahil sa mas mababang presyo ng mga pag-kain.
Bumagal din anya ang inflation dahil sa mababang presyo ng mga non -food commodities partikular ng housing rentals, kuryente, gas at fuel sa fourth quarter ng 2019.
Batay sa report ng BSP, naitala ang 1.6 percent na inflation rate sa ikaapat na quarter ng nakaraang taon na mas mababa kumpara sa 1.7 percent noong 2019 third quarter.
Dahil dito, pumalo sa 2.5 percent ang full year inflation rate na nasa loob pa rin ng target ng gobyerno na 2 percent hanggang 4 percent para sa taon
Ang inflation ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng bilihin, produkto at serbisyo sa pamilihan.
Facebook Comments