Patuloy na pag-utang ng gobyerno, kinwestyon ni Senator Lacson

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Senator Panfilo Ping Lacson kung bakit patuloy ang ginagawang pangungutang ng Pilipinas gayong bilyun-bilyong piso naman ang natirirang savings mula sa national budget taun-taon.

Ang tanong ay ibinatao ni Lacson kay Budget Secretary Bejamin Diokno kasabay ng isinagawang presentation ng P3.767-trillion national budget para sa taong 2018 ng Development Budget Coordinating Committee o DBCC.

Sabi ni Lacson, ngayong taon ay may natitira pang 422 billion Pesos sa 2017 budget na hindi pa nagagamit o unused appropriations.


Inlahad din ni Lacson ang datus ng Department of Budget and Management na nagpapakita na mula noong 2010, ay halos taon-taon, umabot sa 2.8 hanggang 3% national budget ang hindi nagagamit na pondo.

Sa kanilang presentation sa Senate Committee on Finance ay sinabi naman ni Diokno na malaking porsyento ng budget ay mapupunta sa mga pro-poor programs ng gobyerno tulad ng Conditional Cash Transfer Program at pagtatayo ng mga imprastraktura sa ilalim ng Build Build Build Program.

Samantala, natapos na ang pagsalang sa confirmation hearing ni Department of Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.

Ang mga senador at kongresista na miyembro ng Commission on Appointments o CA Committee on Labor, Employment and Social Welfare ay nasa executive session ngayon at tinatalakay kung iko-kumpirma na o ire-reject ang appointment ni Secretary Taguiwalo.

Sa labas naman ng Senado ay nagtitipun-tipon naman ang mga tagasuporta ni Secretary Taguiwalo sa labas ng gate ng senado.

Nakasaad sa kanilang mga placards na palusutin ng CA si Taguiwalo dahil ito ay may malasakit, at nakatutok sa serbisyo hindi sa pagnenegosyo.

At sa ibang pang balita dito sa Senado, nagpapatuloy pa rin ang pulong sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at ng Uber na pinangunahan ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe.

Facebook Comments